Huwebes, Pebrero 9, 2012

Pagtangkilik ng produktong Pilipino

Ito'y nakakatulong sa ating bansa. Ipinapakita dito na mahal natin ang ating bansa. Ang pagtangkilik ng ating sariling produkto ay malaking ambag sa ating bansa, sapagkat tayo'y makakatulong na umangat pa ang ating produkto sa ibang bansa. Matutulungan natin ang ating sariling bayan sa pagtangkilik ng ating produkto at makakatulung tayo sa ating kapwa Pilipino na maiahon sa kahirapan ang ating kababayan. Isa sa maipapakita natin na tayo ay isang dugong Pilipino sa mga banyaga sa pamamagitan ng pagtangkilik ng sariling produkto ng Pilipinas, sapagkat tayo ay nagtutulungan, maliit man ito sa iba. Marami tayong produkto na maaaring tangkilikin, katulad na lamang ng niyog sa Bicol, Laguna at Cavite, asukal sa Iloilo, Tarlak at Negros, bigas sa Gitnang Luzon, saging sa Davao at Cotabato, abaka sa Bicol na ginagamit sa Manila Hemp, tabako sa Cagayan, Ilocos at Pangasinan, pinya sa Cotabato (DOLE) at Bukidnon (Del Monte). Isa man lang sa mga produktong iyan ang tangkilikin ng mga mamamayang Pilipino ay malaking tulong na sa bansang Pilipinas. Maliit man ito sa iba, para sa amin na nananatiling tumatangkilik sa ating sariling produkto ay napakalaking tulong ang maibibigay o maiaambag mo sa ating bayan at sa kapwa mo Pilipino. Maraming mga kababayan natin ang hindi tumatangkilik sa produktong Pilipino, ngunit hindi pa ito ang huli na maaaring magbago pa ang kanilang gusto na produkto. Marami tayong mga kababayan ang nagnanais ng produkto ng ibang bansa sapagkat ito ay imported na galing ibang bansa. Ngunit hindi nila alam na niloloko lamang sila nito, ang hindi nila alam ang ibang produkto na akala nila na gawa at galing sa ibang bansa ay ini-export lamang natin. Ang pagpapatunay ay ang Oishi Snack Products na tatak sa Tsina ngunit orihinal na gawa ng mga Pilipino at ang Likas Papaya na kilala sa Gitnang Silangan.